Diaries Magazine

UAAP Cheerdance Competition 2013

Posted on the 16 September 2013 by Cposion
May Magic Lamp Kasi - National U Dethrones Maroons 

UAAP Cheerdance Competition 2013

Oh diva! Sarap tumawa ng nakanganga NU lol hahaha.

 Una sa lahat, cool at napredict to kung anu ang top three: La Salle, UP at NU.
Yun nga lang duda talagang akong mag-chachampion ang UP Maroons kasi medyo may hulog fest din na konti, hindi aliw yung music na ginamit at party party yung theme pero parang hindi naman party party yung aura sakin. Wala naman akong knows sa technicalities ng mga churva steps nila so iwan nilang natin yun sa judges. Peace mga  Isko at Iska. Taga UP din ako pero ganun talaga ang peg ng performance nila kahapon.

UAAP Cheerdance Competition 2013

Easy lang mga kuya. Saluhin nyo ang gandahin kong ate. The Animo Squad

Tapos yung  La Salle naman. Hmmm. Hindi ko maalala kung anu ginawa nila. Lol. Joke lang. Ha ha haArmy army ang peg nila. Parang susulong sa Zamboanga. May nahulog ba sa kanila? Parang ala eh. Yung pagkakatanda ko masyadong sure yung moves nila, pa-safe kumbaga. Kaya siguro kahit malinis ung routine naungusan pa din silang ng Maroons kasi parang mas mahirap ung moves ung Maroons. Pero naisip ko din nun baka maging rank 2 pa yung La Salle. Pero ganda ganda naman ng ateh ng La Salle na nanalong Samsung Stunner.Oh ha! (Kung maka-ate naman noh,parang kapatd talaga!)
Tapos National U. Ayun nanalo sila. He he he. Masyadong madaming genie kaya hindi na matatalo yun. I bet lahat ng wish nila sa genie ay sana manalo kami, sana manalo kami, sana manalo kami. Pero hindi naman tanga yung genie at I'm sure na hindi nya ibibigay yung wish na yun kung hindi sila deserving at hindi nila pinagtrabahuhan yun diva?! Kaya yehey! Kudos sa NU. Snappy kasi eh, kaya nakaka-alive panuorin. At hwag na kayong mag peg ng underdogs kasi hindi na bagay at champs na kayo! Hehe. At bago ko makalimutan, lumalastikman pla yung ateh sa Group Stunt competition. Anak ng baka! Napamura ako dun ah.

UAAP Cheerdance Competition 2013

UP Pep Squad. Gusto ko ang suot nila infarness.

So yun, tama na ang drama mga isko at iska. Next year ulet ah. I'm sure babawi tayo. At tsaka kudos din sa lahat ng schools ah. Buwis buhay yung mga ginagawa nyo kahapon. Kung ako ang nanay nyo hindi ko kakayaning manuod nun at baka ako ay maheartattack.  He he. Tama na. Masyado nang jologs ang blog na ito. Paminsan minsan kailangang mag-blog ng ganito para mas malapit sa puso.Mwaaah! Bye! :)

Back to Featured Articles on Logo Paperblog

Paperblog Hot Topics

Magazine