Handog ko sa inyo ang isnag tula buhat sa aking dila na suddenly ay naging Makata. Sige na naman ako ay pagbigyan. Minsan lang naman ito at hindi naman madalas ang perwisyo.
Kung Ok na sa inyo ay ipagpapatuloy ko na. Isang tula na nagkukuwento tungkol sa aming paglalakbay sa Laguna. Haluan rin ng isang nakakahiyang pag-amin.
Ang Paglalakbay ng mga Bloggers sa Laguna
“Laguna, ng ikaw ay marating ko
Para bang ako’y nagbago,
kakaibang damdamin…”
ang kinanta ko kahit wala sa tono
Ngunit masakit mang aminin, wala kaming magawa noon kundi umiling
Dahil ang sumundo sa amin ay isang malaking bus ng Laguna
Na may mga naglalakihang litrato ng pulitiko na namumulitika
Si mahal naming gobernador ng probinsya – ay, sadyang nakakahiya!
Bakit kamo, sige na nga magkukuwento na ko
Kami kasing grupo ng mga sikat daw na blogger
Ay ayaw na ayaw sa isang epal na pulitiko
Na ginagamit sa mali ang pondo ng gobyerno
Pagpasok pa lang namin sa bukana ng probinsiya ng Laguna
Mukha na ni gobernador at ng kanyang mayor na asawa ang aming nakita
Ang bumulaga sa amin mula sa isang napakalaking tarpolina
Mga naglalakihan nilang ngiti na tila pakiramdam ko ay nanghahalina
Halabira! Nahirapan talaga kaming magpaka-totoo
Sila kasi ang pasimuno ng blogging summit na aming dinayo
Laking gulat namin ng pagpasok sa Cultural Center of Laguna
Mga mukha pa rin ng ilan pang pulitiko ang aming nakita
Nakasabit sa entablado at halos bawat sulok ng lugar
Sangkatutak na tarpolinang may mga mukha nila na nakakaasar
Blogging summit ba talaga itong aming napuntahan
O isang maagang pangangampanya – ay, ano ba yan!
Laguna, tunay ngang marami kang magagandang lugar
Napakaraming pwedeng puntahan at makipagsapalaran
Halos lahat nga ay kasama ka sa mga pinipili ng turista
Pero sa aming mga nakita – ay, diyuskopoday!, di bale na.
Sa Anti-Epal samahan pa naman ay napaka-aktibo kami
Sumali kami upang magsulat at magsumbong na rin
Pero hindi naman siguro palaging boto ang kanilang habol
Mayroon naman sigurong tapat maglingkod at hindi taga”Wanbol”
Ito ay ang aking lahok sa Saranggola blog awards 4
Link: www.saranggolablogawards.com.